Feeding Program, isinagawa sa Guinayangan, Quezon Province
Sa patuloy na pagpapakita ng malasakit sa mamamayan, isang feeding program ang isinagawa sa Barangay Calimpak, Guinayangan, Quezon Province nito lamang Huwebes, ika-24 ng Hulyo 2025.
Itinampok sa aktibidad ang mga batang residente ng barangay na masiglang nakilahok at masayang tumanggap ng masustansyang pagkain mula sa kapulisan. Ang mga magulang, na lubos na natuwa sa programang inilunsad, ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa tulong na ibinigay para sa kalusugan at kapakanan ng kanilang mga anak.
Ang inisyatiba ay isinakatuparan ng Guiniyangan Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCpt Eric L Veluz, Acting Chief, kasama ang mga residente ng nasabing barangay.
Hindi lamang pagkain ang naibahagi sa mga residente, kundi maging pagmamalasakit, oras, at suporta sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Layunin ng aktibidad na ipakita na ang kapulisan at pamahalaan ay nagkakaisa sa pagpapamalas ng malasakit at pagtulong sa komunidad. Patunay na sa gitna ng mga hamon sa buhay, may mga taong handang umalalay at tumugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Source: Guiniyangan MPS