“Adopt a GSP Senior/Cadet Patrol” ng GSP Batanes, matagumpay na naisagawa

0
viber_image_2025-07-29_17-00-26-247

Pinangunahan ng Batanes PPO, sa pamumuno ni PLtCol Larry N. Pinkihan, Officer-In-Charge, ang programa ng GSP-Batanes Council na may temang “Adopt a GSP Senior/Cadet Patrol” na ginanap sa Batanes PPO Conference Hall, Basco, Batanes nito lamang ika-26 ng Hulyo 2025.

Sumailalim sa isang araw na pagsasanay ang 11 na Senior & Cadets Officers ng GSP Batanes National Science High School (BNSHS), Saint Dominic College (SDC) at Valugan Intergrated School.

Dito ay ibinahagi ni PSsg Janice Cabugao, FJGAD PNCO, ang mga mahahalagang probisyon ng RA 9262 o ang batas na mas kilala bilang “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).

Nilibot nila ang mga opisina ng PNP at aktwal na naranasan ang mga tungkulin ng isang pulis, tulad ng tamang paggamit ng handheld radio, fingerprinting, mobile patrolling, at paggawa ng artikulo sa PIO at Police Community Affairs and Development Unit.

Nagpapasalamat ang GSP-Council na kinatawan ni Denvie C Ugali, Vcie-President for Fields sa karanasang ibinahagi ng mga kapulisan.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang programang “Adopt a GSP Senior/Cadet Patrol” sa tulong ng aktibong pakikilahok ng kapulisan at ng GSP-Batanes Council. Ito ay nagsilbing makabuluhang karanasan para sa mga kabataang babae upang mas lalo nilang maunawaan ang responsibilidad ng mga pulis at mapalalim ang kanilang diwa ng paglilingkod, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *