Mga mag-aaral sa Cebu, nakiisa sa ikinasang Symposium Activity
Nakiisa ang mga mag-aaral sa isinagawang Symposium Activity na ginanap sa Salazar Colleges of Science and Institute of Technology (SCSIT), Barangay Poblacion, Madridejos, Cebu, noong ika-1 ng Agosto 2025.
Ito ay sa pangunguna ng 1st PMFC CPPO “Warriors of the North” 3rd Maneuver Platoon, sa pangunguna ni PEMS Lou G. Susvilla, Platoon Leader at sa ilalim ng direktang pamamahala ni PLTCOL Arnold Ponce Valenzuela, Force Commander.
Tinalakay sa nasabing symposium ang mga mahahalagang usapin tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) sa ilalim ng NTF-ELCAC alinsunod sa Executive Order No. 70, at ang mga nilalaman ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Layunin nitong paigtingin ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa mga banta ng terorismo at iligal na droga, at kung paano ito maiiwasan at maisusumbong sa mga kinauukulan.
Ang aktibidad ay nagsilbing daan upang maipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagiging mapanuri, maalam, at responsableng miyembro ng komunidad. Sa tulong ng mga ganitong gawain, mas lalong tumitibay ang ugnayan ng kapulisan at ng sektor ng edukasyon tungo sa isang ligtas at mapayapang lipunan.