BPATs, nakiisa sa Symposium Activity sa Lapulapu City

0
viber_image_2025-08-03_15-46-16-940

Aktibong nakiisa ang mga Barangay Public Safety Officers (BPSO), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), Auxiliary Team, at iba pang opisyal at kawani ng Barangay sa isinagawang Symposium Activity na ginanap sa Barangay Hall ng Buaya, Lungsod ng Lapu-Lapu noong ika-1 ng Agosto 2025.

Ito ay pinangunahan ng Police System 5, Lapu-Lapu City Police Station sa pamumuno ni PEMS Luisito R. Ernie, Officer-in-Charge ng Police Station 5. Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Buaya na pinamumunuan ni Hon. Felix D. Casio, Punong Barangay.

Layunin ng seminar na paigtingin ang kampanya ng PNP sa ilalim ng kanilang Drug Demand Reduction Efforts at Anti-Terrorism Campaign kaugnay sa mga layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Isa rin itong hakbang ng pulisya upang mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa kanilang kaligtasan at kung paano makakaiwas sa banta ng iligal na droga at terorismo.

Ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP na maging mas malapit sa komunidad at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng pulisya at mamamayan tungo sa isang ligtas at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *