R-PSB Quick Impact Project: 1st Set School Zone Signage, naisakatuparan sa Igbaras, Iloilo
Matagumpay na isinagawa ang unang set ng installation at turnover ng School Zone Warning Signage sa Barangay Indaluyon, Igbaras, Iloilo sa ilalim ng R-PSB Quick Impact Project nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2025,

Ang naturang aktibidad na sinimulan bandang alas-9 ng umaga ay pinangunahan ni PCPT Danilo L Noca, Team Leader ng R-PSB Team Igbaras, katuwang ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Carlito Eclar, mga volunteer mula sa Megans Society, at ang Office of Engineering ng LGU Igbaras.
Unang isinagawa ang paglalagay ng signage malapit sa Cale-Indaluyon Integrated School na dinaluhan ng mga guro at PTA Officers sa pangunguna ni Mrs. Carina E. De Costa, Head Teacher I.

Isa pang School Zone signage ang itinayo malapit sa Brgy. Indaluyon Day Care Center, na dinaluhan ni Mrs. Elisa Estoque isang volunteer teacher, kasama ang ilan pang mga magulang.
Layunin ng proyektong ito na mapalakas ang kaligtasan sa komunidad, partikular sa mga kabataan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala sa mga motorista upang mag-ingat sa mga lugar na malapit sa mga paaralan.
Isa rin itong hakbang upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga estudyante at pedestrian.
Lubos ang pasasalamat ng mga guro at magulang sa R-PSB Team Igbaras para sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kaligtasan ng mga kabataan.
Pinatunayan ng proyektong ito ang epektibong pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, paaralan, at mga mamamayan para sa isang mas ligtas na komunidad.
Nagtapos ang aktibidad na may masiglang ngiti at pasasalamat mula sa lahat ng dumalo—isang patunay ng patuloy na pagganap ng PNP sa kanilang tapat at makataong serbisyong publiko.
Source: RPSB IGBARAS