Advocacy Support Group, nakiisa sa feeding program sa College Elementary School sa Eastern Samar

0
viber_image_2025-08-08_15-56-39-526

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group Alpha Kappa Rho Fraternity sa isinagawang feeding program activity na ginanap sa College Elementary School, Brgy. Naparaan, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Agosto 7, 2025.

Ang aktibidad ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Alpha Kappa Rho Fraternity sa pangunguna ni FO3 Jim Marvy Machica at ng Municipal Grand Skepton ng Salcedo Chapter na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng pulisya.

Bahagi ng aktibidad ang pamamahagi ng libreng pagkain sa mga bata para mabawasan ang malnutrisyon sa lugar. Labis naman ang pasasalamat at tuwa ng mga bata sa pagkain at bagong kaalaman na hatid ng kapulisan.

Ang naturang aktibidad ay nagbigay ng lakas ng loob sa mga miyembro ng PNP at Advocacy Support Group na ipagpatuloy ang ganitong uri ng adbokasiya na tumutulong at nagbibigay saya sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *