Programang Pangkabuhayan, isinagawa sa Barangay Daine 1, Indang, Cavite
Sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya, matagumpay na naisigawa ang isang Livelihood Activity sa Brgy. Daine 1, Indang, Cavite nito lamang ika-7 ng Agosto 2025.
Aktibong nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga Army reservist, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Women Sector, at mga opisyal ng barangay kasama ang kapulisan ng Indang Municipal Police Station.
Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga residente upang makapagsimula ng sariling kabuhayan at makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang ganitong mga gawain ay nagpapakita ng pagtutulungan ng kapulisan, komunidad, at iba’t ibang sektor upang mapalakas ang kabuhayan at maitaguyod ang mas maunlad at ligtas na pamayanan.