Sanguniang Kabataan, nakilahok sa Anti-Illegal Drugs Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga Sangguniang Kabataan sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Awareness lecture ng mga tauhan ng Bulakan Municipal Police Station sa Barangay Sta. Ines, Bulakan, Bulacan nito lamang Linggo, ika-31 ng Agosto 2025.
Matagumpay ang naging aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Melchor A Buaquen, Chief of Police, Bulakan MPS.
Nagbahagi ng kaalaman ang kapulisan tungkol sa iba’t ibang klase ng droga, mga masamang epekto nito sa kalusugan, at ang mga parusang kahaharapin ng sinumang mahuhuling gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na umiwas sa anumang uri ng droga upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kinabukasan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga opisyales ng bawat barangay upang magbigay ng impormasyon sa mga kabataan tungkol sa mga programa ng pamahalaan, kabilang ang pagpapalakas ng kampanya laban sa iligal na droga.

