Tree Planting Activity, isinagawa sa San Mateo, Rizal
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 na may temang “Building Resilient Communities, Strengthening Preparedness and Response,” matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa Agro-Tourism Site, Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal nito lamang ika-30 ng Agosto 2025.
Ang mga kapulisan ng San Mateo Municipal Police Station at iba pang mga ahensya ay buong pusong nakiisa sa pagtatanim ng mga punong-kahoy na layuning palakasin ang proteksyon ng kalikasan laban sa mga sakunang dulot ng kalikasan, gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Hindi lamang simpleng pagtatanim ng puno ang isinagawa sapagkat ito ay isang makabuluhang hakbangin na nagpapakita ng kanilang suporta sa adbokasiya ng pamahalaan sa paghahanda, pagbangon, at pagpapatatag ng mga komunidad sa harap ng mga kalamidad.
Ang nasabing aktibidad ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at ng komunidad upang makamit ang isang ligtas at matatag na kinabukasan.