BPATs, aktibong lumahok sa Crime Prevention Lecture ng Sto. Niño PNP

0
viber_image_2025-09-03_15-12-24-035

Matagumpay ang isinagawang Crime Prevention Lecture ng Sto. Niño Police Station sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at pagpapalakas ng seguridad ng komunidad na ginanap sa Barangay Matalao, Sto. Niño, Cagayan nito lamang ika-1 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Pinangunahan ito ni PMaj Tristan John Zambale, Chief of Police ng nasabing bayan, kasama ang iba pang kapulisan ng Sto. Nino Police Station.

Tinalakay ni PMSg Florendo Piñera, MCAD PNCO, ang mga programang gaya ng Road Safety Measures, Anti-Illegal Drugs Campaign, at Anti-Insurgency.

Nagbigay rin siya ng pagsasanay sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kaugnay ng Basic Arresting Techniques at mga elemento ng krimen.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga BPATs upang maging mas epektibo sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa lugar.

Ayon kay PMaj Zambale, patuloy na magsasagawa ng ganitong mga aktibidad ang Sto. Niño Police Station upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan para sa kapakanan ng lahat.

Source: Sto. Niño PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *