BPAT’s Training, muling isinakatuparan sa Tabaco City

Isang Skills Enhancement Training ang muling isinagawa para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Salvacion, Tabaco City noong Setyembre 3, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tabaco City Police Station, sa pangunguna ni PLT RAFAEL D BASARES, kasama sina Atty. Flora F. Mangampo Remolacio, NAPOLCOM Provincial Officer.
Si Pastor Arnaldo G. Brito, Faith-Based Leader at Community Adviser, ay nakiisa rin sa aktibidad upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pananampalataya at moral na patnubay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng National Crime Prevention Week, kung saan sinabi ni Atty. Flora F. Mangampo Remolacio na ang kanilang mga lecture ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng mga barangay tanod, force multipliers, at komunidad sa pag-iwas sa krimen.
Sinasaklaw din ng naturang pagsasanay ang mga makabuluhang paksa tulad ng Katarungang Pambarangay; Karahasan Laban sa Kababaihan at Kanilang mga Anak (R.A. 9262); at Fake News Awareness.
Bukod dito, ibinahagi rin ni PCpl Romnick Bondoy ang mga pinakamahusay na kasanayan at mga tamang pamamaraan sa pag-aresto.
Kasabay ng talakayan, namahagi rin si PCpl Bondoy ng mga baton at posas sa mga opisyal ng Barangay Salvacion para magamit ng mga miyembro ng BPAT sa pagpapatupad ng mga batas at ordinansa bilang bahagi ng Best Practice ng Tabaco CPS na kilala bilang “Baston Para sa Maton.” Bahagi ito sa layunin ng kapulisan na mabigyan sila ng wastong kagamitan at pinahusay na kakayahan upang epektibong maisagawa ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.
Ang aktibidad na ito ay patunay sa patuloy na pagtutulungan ng PNP, simbahan, at komunidad sa pagbuo ng mas ligtas at mas progresibong lipunan.
Source: Tabaco City Police Station