Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness , isinagawa sa San Fernando, Cebu
Dumalo ang mga kapulisan mula sa San Fernando Police Station sa pangunguna ni PMAJ Michael C. Gingoyon, Chief of Police, sa isinagawang BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council) meeting sa Barangay Magsico, San Fernado, Cebu noong ika-8 ng Setyembre 2025.
Layunin ng pagtitipon na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga, terorismo, at iba pang anyo ng kriminalidad sa lungsod.
Sa naturang pulong, tinalakay ang mahahalagang isyu na nakakaapekto sa kapayapaan at kaayusan ng pamayanan.
Binibigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng barangay at kapulisan upang higit na maging epektibo ang mga programang pangkaligtasan at pangseguridad.
Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng PNP San Fernando upang labanan ang banta ng iligal na droga at terorismo.
Bahagi ito ng pangkalahatang layunin ng Bagong Pilipinas na magtatag ng isang mas ligtas, maayos, at matiwasay na lipunan para sa bawat Pilipino.