2025 NCPW at Kapihan sa Barangay, isinakatuparan ng Viga MPS

0
viber_image_2025-09-09_14-40-58-727

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2025 National Crime Prevention Week (NCPW), nagsagawa ng pakikipagdayalogo at kapihan ang mga tauhan ng Viga Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCPT BENJAMIN P BU-UCAN, ACOP, ngayong Ika-7 ng Setyembre 2025 (Linggo), ganap na alas-10:00 ng umaga, sa Barangay Hall ng San Roque, Viga, Catanduanes.

Pinangunahan ang aktibidad ni PMSg Airene Rose O Lopez, WCPD PNCO, katuwang ang Barangay Council ng San Roque sa pamumuno ni Punong Barangay Jennifer C. Alvarez, kasama rin ang ilang piling residente ng naturang barangay ang selebrasyon ngayong taon ay may temang:“Pinalakas na Pamahalaang Lokal para sa Ligtas na Pamayanan: Pagpapatibay ng mga Programa sa Pag-iwas sa Krimen sa Ilalim ng CSOP.”

Layunin ng naturang dayalogo ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad upang higit na mapatatag ang mga programa at estratehiya laban sa kriminalidad, partikular na sa larangan ng crime prevention at community partnership.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinagtibay ng Viga MPS ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang masinsinang ugnayan sa mga barangay at palakasin ang kooperasyon ng mamamayan tungo sa isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Source: Viga Mps Catanduanes Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *