Catanduanes PPO, nagsagawa ng Collaborative Stakeholders’ Forum sa Quick Response Strategies sa Virac

Matagumpay na pinangunahan ni PCOL ELMER R CERENO, Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office (CatPPO), ang Collaborative Stakeholders’ Forum: PNP Quick Response Strategies bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st National Crime Prevention Week sa Catanduanes PPO Heroes Hall, Camp MSg Francisco M. Camacho nito lamang Setyembre 4, 2025.
Dinaluhan ito ng mahigit 160 barangay officials, NGOs, law enforcement agencies at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan.
Panauhing Pandangal sa naturang aktibidad si Atty. Manuel L. Pontanal, Regional Director ng NAPOLCOM Region 5, na nagbahagi ng kaalaman hinggil sa National Crime Prevention at Community and Service-Oriented Policing.
Dumalo rin si Ms. Jessa T. Encarnacion mula DILG na tinalakay ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.
Binigyang-diin ni PLT DELIA B CARGULLO ang kahalagahan ng community engagement sa pamamagitan ng open forum, habang pinangunahan naman ni PLTCOL JOCERIC O DELA PEÑA ang 5-Minute PNP Response 911 simulation exercise.

Itinampok din sa meeting ang Pledge of Commitment and Support bilang simbolo ng pagkakaisa para sa mas ligtas at mas matatag na ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Source: Catanduanes Police Provincial Office