National Peace Consciousness Month, ipinagdiwang sa Lope De Vega, Northern Samar

Matagumpay na ipinagdiwang ang National Peace Consciousness Month 2025 sa Lope De Vega Covered Court, Lope De Vega, Northern Samar nito lamang Setyembre 4, 2025.
Ang naturang pagtitipon ay inisyatiba ng Local Government Unit na dinaluhan ng mga Barangay VAW Desk Officers, mga guro ng Lope De Vega at mga tauhan ng Women and Children Protection Desk ng Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Captain Nuncia A Formaran, Chief of the WCPD.
Naghatid ang mga kapulisan ng isang komprehensibong talakayan sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262), nga salient provisions nito at mga responsibilidad ng BVAW Desk Officer.
Ang aktibidad ay may temang “A Peaceful Future Within Reach in the New Philippines” na naglalayong pahusayin ang kaalaman at kapasidad ng mga kalahok sa pagtukoy, pagtugon, at pagpigil sa mga kaso ng pang-aabuso at pagsasamantala.
Nilalayon nitong isulong ang legal na kamalayan ng publiko, palakasin ang mga mekanismo ng proteksyon na nakabatay sa komunidad, at hikayatin ang maagap na pag-uulat at interbensyon sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga vulnerable sectors.