3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isinakatuparan sa Calinog, Iloilo

0
Screenshot 2025-09-12 162939

Sa pagtutulungan ng Lokal na pamahalaan sa Calinog at iba pang ahensya ng gobyerno ay matagumpay na naisinagawa ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ginanap nito lamang ika-12 ng September 2025.

Pinangunahan ng Calinog Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang aktibidad katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Rural Health Unit (RHU), Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Special Weapons and Tactics (SWAT), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Dr. Ricardo S. Provido Memorial District Hospital (DRSPMDH), Local Government Unit ng Calinog, GCBO, at West Visayas State University – Calinog Campus.

Ang nasabing drill ay nagbigay-diin sa tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” principle bilang unang tugon sa lindol, na sinundan ng Search and Rescue operations, medical response simulations, at organisadong paglikas ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) patungo sa ligtas na evacuation sites.

Namukod-tangi sa aktibidad ang malinaw na pagtutulungan at koordinasyon ng bawat ahensya.

Pinangunahan ng BFP ang fire safety at rescue demonstrations, habang nagbigay ng seguridad at suporta sa operasyon ang PNP, AFP, RMFB6, at SWAT.

Samantala, tumutok naman ang RHU at DRSPMDH sa pagbibigay ng medical response at emergency care, habang ang MSWDO ay nag-asikaso sa pangangailangan at kapakanan ng mga evacuees.

Naging katuwang din ang LGU, WVSU-Calinog Campus, at GCBO sa pagpapalakas ng kamalayan at pakikilahok ng komunidad.

Layunin ng drill na masukat ang kahandaan, pagtutulungan, at kakayahan ng iba’t ibang ahensya sa pagtugon sa mga sakuna. Higit pa rito, pinalalalim nito ang kamalayan ng mga mamamayan na ang kahandaan sa kalamidad ay responsibilidad ng lahat.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ng Bayan ng Calinog ang pagiging ligtas, matatag, at handa laban sa anumang sakuna.
Source: RMFB Six Pathfinders FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *