Mga mag-aaral ng Tagbacan NHS sa Eastern Samar, nakiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

0
viber_image_2025-09-12_12-54-59-081

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Tagbacan National High School sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) CY 2025 sa Brgy. Tagbacan, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Setyembre 11, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, Officer-In-Charge kasama ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Salcedo, BFP-Salcedo, Rural Health Unit (RHU)-Salcedo, Salcedo Disaster and Emergency Response Team (SDERT) at mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.

Ang earthquake drill sa mga paaralan ay mahalaga para sa paghahanda ng mga estudyante at kawani na tumugon nang epektibo at ligtas sa panahon ng aktwal na lindol. Nakakatulong ang mga drill upang mapataas ang kamalayan, bawasan ang panic, at pahusayin ang mga oras ng pagtugon ng mga awtoridqd upang maiwasan ang mga posibleng pinsala.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong isulong ang paghahanda sa sakuna, pagpapatibay ng kaligtasan at turuan ang publiko sa mga pangunahing hakbang sa kaligtasan, gaya na lamang ng “duck, cover, and hold” principle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *