LGU, RPSB Igbaras at mga volunteer groups, nagkaisa para sa kaligtasan ng komunidad

0
viber_image_2025-09-14_17-18-12-509

Isang makabuluhang halimbawa ng pagtutulungan ang ipinamalas sa matagumpay na ikalawang Installation at Turnover ng Warning at Direction Signage na pinangunahan ng R-PSB Team Igbaras sa pamumuno ni PCPT DANILO L NOCA, Team Leader, sa Barangay Indaluyon, Igbaras, Iloilo nito lamang ika-12 Setyembre, 2025.

Hindi lamang ang kapulisan ang kumilos para sa nasabing proyekto, kundi naging katuwang din ang mga Barangay Officials sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Carlito Eclar, ang Megans Society Volunteers, at ang LGU Igbaras – Office of Engineering.

Sa kanilang sama-samang suporta at partisipasyon, naitayo ang mga signage na layong magbigay ng babala at gabay para sa kaligtasan at seguridad ng mga residente at bumibisita sa barangay.

Ang Warning Signage ay itinayo sa mga madalas daanan at tambayan upang magsilbing paalala sa mga motorista at residente na maging alerto at maingat.

Samantala, ang Direction Signage naman ay nagsisilbing gabay para sa mga motorista, bisita, at maging sa delivery services upang mas mabilis na matagpuan ang mahahalagang lokasyon, at higit sa lahat, upang mapadali ang pagresponde sa oras ng emerhensya.

Ang tagumpay ng inisyatibang ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng kapulisan, pamahalaang lokal, barangay officials, at mga boluntaryo, mas napagtitibay ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Source: RPSB Igbaras

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *