300 Graduating Students, nakilahok sa isinagawang symposium sa Eastern Visayas State University

0
viber_image_2025-09-13_16-48-00-670

Humigit-kumulang 300 graduating students ng Eastern Visayas State University–Tanauan Campus ang aktibong lumahok sa isinagawang symposium ng mga kapulisan sa Tanauan, Leyte nito lamang September 12, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Regional Community Affairs and Development Division sa pamumuno ni Police Colonel Jennifer R Sumpo sa pakikipagtulungan sa Regional Recruitment and Selection Unit 8 kasama ang mga guro ng nasabing paaralan sa pangunguna ni Dr. Sheldon Ives G. Agaton, Campus Director at PNP MOVE National Chapter.

Ang grupo ay nagbigay ng career guidance, nagsulong ng adbokasiya ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE), at nagtaas ng kamalayan sa mga batas na nakabatay sa kasarian, kabilang ang Safe Spaces Act (RA 11313).

Itinatampok ng inisyatibo ang pangako ng PRO 8 na bigyang kaalam ang mga kabataan, palakasin ang kanilang kakayahan na umiwas sa krimen, at pagyamanin ang pakikipagtulungan sa akademya tungo sa iisang hangarin na magkaroon ng mapayapa at maunlad na bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *