Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapar, Handog sa Lahat, umarangkada sa Cebu
Naging sentro ng isang makabuluhang programa ang Cebu Provincial Capitol noong Setyembre 13, 2025, sa idinaos na “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat, Handog sa Lahat.”
Layunin ng nasabing aktibidad na maipaabot ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga mamamayan, bilang patunay ng malasakit at pagtutok ng administrasyon sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Upang masiguro ang ligtas at maayos na daloy ng programa, personal na pinangunahan ni PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Officer-in-Charge ng Cebu Police Provincial Office, ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang sa seguridad.
Kasama niya ang buong Command Group at mga nakatalagang pulis na walang pagod na nagbantay at nagbigay proteksyon sa lahat ng dumalo.

Ipinakita ng Cebu Police Provincial Office ang kanilang pagiging handa at dedikasyon hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan kundi pati na rin sa pagbibigay ng suporta sa mga inisyatiba ng pamahalaan.
Sa kanilang pagtutok, tiniyak nila na ang bawat kalahok ay makakabenepisyo sa programa nang payapa at matiwasay.
Muling pinatunayan ng kapulisan ng Cebu PPO ang kanilang paninindigan na magsilbi at magprotekta.
Sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng kapulisan, mas lalo pang napapalakas ang kampanya para sa isang Bagong Pilipinas—isang bansa na mas ligtas, mas maayos, at mas nakatuon sa kapakanan ng lahat.