Kaalaman sa pag-iwas sa krimen, tinalakay sa mga residente ng Sitio Nasilaban, Talaingod, Davao del Norte
Tinalakay sa mga residete ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) sa Sitio Nasilaban, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte ang kaalaman sa pag-iwas sa krimen sa pangunguna ni PEMS Francisco R. Nazi Jr., Team Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Jay G Dema-ala, Force Commander ng 1st Davao del Norte Provincial Mobile Force Company at sa pakikipagtulungan ni Police Major Jessery Y Laroa, Officer-In-Charge ng Talaingod Municipal Police Station.
Nagdaos ng grupo ng isang Small Group Discussion kasama ang mga residente ng sitio na ang pangunahing layunin ay talakayin ang mga isyu ukol sa crime prevention, peace and order, at pag-iwas sa iligal na droga.

Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo, ipinaliwanag ng kapulisan ang mga konkretong hakbang kung paano maiiwasan ang krimen at ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan.
Sa kabila ng pagiging liblib ng lugar, patuloy ang dedikasyon ng kapulisan na abutin at gabayan ang mga komunidad sa layunin ng pambansang kaunlaran.
Sa aktibidad na ito, muling naipadama ng R-PSB na hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi tunay na kaagapay sa pagbabago.