SK ng San Jose, nakiisa sa Symposium sa Drug Awareness
Nakiisa ang mga kabataang lider ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay San Jose Matulid, Mexico, Pampanga sa isinagawang Symposium on Drug Awareness nito lamang Sabado, ika-13 ng Setyembre 2025.
Ang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng Mexico Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Pearl Joy C Gollayan, Chief of Police.
Ito ay may layong palawakin ang kaalaman ng kabataan sa masamang epekto ng iligal na droga at hikayatin na maging katuwang sa ligtas na komunidad.
Sa talakayan, ipinamalas ng mga opisyal ng SK ang kanilang aktibong pakikibahagi at kahandaang makiisa sa mga programa ng kapulisan laban sa iligal na droga.
Pinuri ni PLtCol Gollayan, ang pagiging masigasig ng SK, at iginiit na ang kabataan ay mahalagang katuwang ng pamahalaan at kapulisan sa pagbibigay ng tamang impormasyon at paggabay sa kanilang mga kapwa kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.