Anti-Criminality Campaigns, isinagawa sa Tanza Public Market
Ipinakita ng ating mga kapatid na Muslim ang kanilang aktibong pakikiisa sa kapulisan sa isinagawang Community Engagement dialogue nito lamang Lunes, ika-15 ng Setyembre 2025, sa Tanza Public Market, Brgy. Daang Amaya 1.
Sa naturang pagtitipon, masiglang nakibahagi ang Muslim community sa talakayan ukol sa mga Anti-Criminality Campaigns ng PNP. Nagbigay rin sila ng kanilang mga pananaw at mungkahi kung paano higit na mapapalakas ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan para sa mas ligtas na pamayanan.

Itinuring ng Tanza Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-In-Charge, na mahalagang katuwang ang Muslim community sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan. Ang kanilang aktibong pakikiisa ay patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang maayos na pamumuhay sa kanilang komunidad.
Ang ganitong uri ng kooperasyon ay isang huwarang halimbawa ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba sa kultura at pananampalataya na naglalayong makamit ang iisang adhikain, isang mapayapa at maunlad na Tanza.
Source: Tanza Pnp