Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, pinangunahan ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III
Nanguna si Governor Ramon “Mon-Mon” V. Guico III sa pagtatanim ng mga punong niyog sa Eco-Tourism Park, Barangay Estanza, Lingayen, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan. Kabilang sa kanyang nakasama sina Vice Governor Mark Lambino, BM Philip Cruz, Acting Provincial Administrator Atty. Baby Ruth Torre, mga pinuno at kawani ng iba’t ibang tanggapan ng probinsya, at mga TUPAD volunteers, noong September 16, 2025.
Ang Green Canopy Program, katuwang ang Philippine Coconut Authority, ay naglalayong isulong ang pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan at palawakin ang mga luntiang espasyo sa buong Pangasinan. Sa kasalukuyan, mahigit 500,000 coconut seedlings na ang matagumpay na naitanim, patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan tungo sa mas malinis at mas matatag na kapaligiran.

Binigyang-diin ni Governor Guico na ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang isang simbolikong gawain kundi isang konkretong hakbang sa pagprotekta ng kalikasan at pagbibigay ng pamana para sa susunod na henerasyon. “Bawat punong ating itinatanim ay binhi ng pag-asa at kasiguruhan ng mas ligtas at mas luntiang kinabukasan para sa mga Pangasinense,” aniya.