Anti-illegal Drugs Lecture, isinagawa
Isinagawa ang Anti-illegal Drugs Lecture sa Barangay San Nicolas, Panabo City, Davao del Norte noong Setyembre 13, 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Captain Cyril Rex C Bercilla, Traffic/Investigation Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Dexter R Cuevas, Acting Chief of Police ng Panabo City Police Station, katuwang ang Revitalized-Pulis sa Barangay.
Aktibong lumahok naman sa naturang aktibidang ang humigit kumulang 110 kabataan sa pangunguna ni Hon. Ethel Gay N. Agabon, SK Chairperson ng Barangay San Nicolas.
Layunin ng kampanya na maipaabot sa mga kabataan ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang na ang mga epekto ng iligal na droga at ang mga legal na parusa sa paggamit nito.
Bukod sa mga lectures, nagkaroon din ng open forum kung saan naipahayag ng mga kabataan ang kanilang mga katanungan at saloobin ukol sa isyu ng droga.
Ang laban kontra droga ay hindi natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tuloy-tuloy na hamon na nangangailangan ng pagkakaisa ng bawat isa—pulis, pamahalaan, at higit sa lahat, ang kabataan.
Sa sama-samang pagkilos at matibay na paninindigan, tiyak na mapapanatili nating ligtas at malaya mula sa droga ang ating komunidad.