Mangrove Tree Planting Activity, isinagawa sa DavOcc
Isinagawa ang Mangrove Tree Planting Activity sa Barangay Mountain, Jose Abad Santos, Davao Occidental noong Setyembre 14, 2025.
Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Davao Occidental Provincial Mobile Force Company, Philippine Coast Guard Balangonan Substation, sa pamumuno ni ENS Ralph Vincent Punongbayan, at katuwang ang mga guro mula sa Dionesio Leong Elementary School – Balangonan na pinamumunuan ni Gng. Shiela Marie G. Lorejo, Punong-Guro ng paaralan.

Tinatayang 100 punla ng bakawan ang matagumpay na naitanim sa baybayin na may layuning mapalakas ang proteksyon ng komunidad laban sa sakuna, mapanatili ang yamang-dagat, at mapababa ang epekto ng climate change.
Ang proyektong ito ay hindi lamang isang simpleng pagtatanim, kundi isang simbolo ng pagkakaisa ng mga ahensiya ng pamahalaan, kapulisan, at komunidad para sa isang mas malinis at ligtas na kapaligiran.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, naipamalas ng PNP ang kanilang pangakong “Makakalikasan” — isang core value na hindi lamang binibigkas, kundi isinasabuhay sa gawa.