BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Piat, Cagayan
Sumailalim sa Operations Seminar and Workshop ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa mga barangay ng Cataraoan, Villarey, at Warat ng Piat, Cagayan na isinagawa nitong Setyembre 13, 2025.
Ipinapakita ng aktibidad ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa kapulisan. Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahan na mas magiging handa at epektibo ang nga BPATs sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad.
Sentro ng talakayan ang mga paksa ukol sa mandato at tungkulin ng BPATs, First Aid at Disaster Preparedness , Violence Against Women and Children (VAWC), at arresting techniques.
Samatala, sa kanyang mensahe, sinabi ni Police Captain Leif Bernard U Guya, Chief of Police ng Piat Police Station na ang mga ang mga BPATs ang katuwang ng kapulisan sa pagbibigay ng agarang aksyon at serbisyo sa mga barangay kaya nararapat lamang na sila ay sanayin upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng ating mga komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Advocacy Support Groups at Piat Police Station ang pagtutulungan ng PNP, LGU, at mga barangay para sa isang ligtas, payapa, at Bagong Pilipinas.
Source: Piat Police Station