“Handog ng Pangulo” Medical Caravan, bumida sa Laoag City

0
viber_image_2025-09-15_17-02-38-588

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinagawa nito lamang Setyembre 13, 2025 ang Handog ng Pangulo Medical Caravan sa Laoag City Multipurpose Hall upang maghatid ng libreng serbisyong medikal at pangkalusugan para sa mga Ilokano.

Iba’t ibang serbisyong medikal at wellness ang ipinagkaloob sa publiko gaya ng medical consultation at provision of medicines, nutrition counseling/assessment, oral health services, immunization, pneumonia at flu vaccine, cervical cancer at breast examination, diabetic retinopathy screening, HIV at TB screening, mental health assessment, minor OR procedures, newborn screening, laboratory services (CBC, urinalysis, ABO typing with Rh typing), radiology services (chest X-ray at ultrasound), wellness clinic (massage, acupuncture, nail care, hair cut), health promotion, at provision ng nutribox at assistive devices.

Nakibahagi rin ang Philippine National Police (PNP) sa nasabing aktibidad upang tiyakin ang maayos at ligtas na daloy ng programa, kasabay ng kanilang aktibong suporta sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.

Sa pamamagitan ng medical caravan na ito, naipakita ang malasakit ng pamahalaan sa kalusugan ng bawat Pilipino. Isa itong patunay na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, pinahahalagahan hindi lamang ang pagpapaunlad ng ekonomiya kundi higit sa lahat ang kapakanan at kagalingan ng bawat mamamayan.

Source: Philippine Information Agency

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *