Sama-samang pagtatanim ng puno, isinagawa ng iba’t ibang ahensya at sektor ng Tigbauan, Iloilo

0
viber_image_2025-09-17_16-30-48-937

Naging makabuluhan ang isinagawang Municipal Arbor Day Tree Planting Activity ng Lokal na Pamahalaan ng Tigbauan noong Setyembre 16, 2025 sa Brgy. Supa, Tigbauan, Iloilo.

Kasama sa mga aktibong nakikiisa ang iba’t ibang ahensya at sektor ng lipunan katuwang ang Tigbauan Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Alfred Mansoy, OIC ng Tigbauan MPS.

Nagsimula ang pagtitipon bandang alas-6:30 ng umaga sa harap ng Tigbauan Municipal Hall bago nagtungo sa Supa Tree Park.

Ipinakita ng iba’t ibang grupo ang kanilang malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, kabilang dito ang Philippine Coast Guard, 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (1PMFC), MENRO Tigbauan, mga opisyal ng Barangay Supa, at mga force multipliers gaya ng New Breed Guardians, Republicant Guardians, Citizen Crime Watch, pati na rin ang mga college interns.

Higit pa sa simpleng pagtatanim, layunin ng aktibidad na magtanim ng kamalayan at disiplina sa bawat isa tungo sa mas malinis, luntian, at mas maayos na pamayanan.

Pinagtibay rin nito ang taunang pagdiriwang ng Arbor Day sa bayan, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2014-016 na ipinasa ng Sangguniang Bayan.

Sa pagtatapos ng Arbor Day 2025, hindi lamang mga punong kahoy ang naitanim, kundi maging ang mas matibay na pagkakaisa sa pagitan ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan para sa mas maliwanag at mas luntiang kinabukasan.
Source: PCADG Western Visayas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *