Mga miyembro ng BPATs, nakiisa sa Project ATLAS ng Santiago CMFC
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Barangay Peacekeepers Trained in Aresting, Handcuffing, and Life Saving Skills Through Project ATLAS sa Barangay Sinili, Santiago City, nito lamang ika-21 ng Setyemre, 2025.
Pinangunahan ng 3rd Platoon, Patul Patrol Base, SCMFC, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga miyemro ng BPATs.
Tinalakay ni Police Corporal Wilmer Lamaroza ay nagsagawa ng isang komprehensibong lektura at praktikal na demonstrasyon sa Apat (4) na Pangunahing Teknik sa Pag-aresto at Pagposas, na nagbibigay sa mga kalahok ng mga taktikal na kasanayan na kinakailangan para sa ligtas at epektibong operasyon sa pagpapatupad ng batas.

Kasama rin sa aktibidad si Police Corporal Mark Harold Zalun na nagbahagi ng isang sesyon ng pagsasanay sa Basic Life Support.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong mas mapahusay ang kakayahan ng mga BPATs sa pagresponde sa mga insidente at pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay. Sa pamamagitan ng Project T.A.L.A.S., inaasahang mas magiging handa at epektibo ang mga tanod sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa kapakanan ng komunidad.
Source: Santiago Cmfc