Red Cross Youth – Ilocos Norte, nakiisa sa International Coastal Clean-Up 2025

0
viber_image_2025-09-22_18-26-34-448

Nakiisa ang mga kabataang boluntaryo ng Red Cross Youth – Ilocos Norte sa pandaigdigang pagtutulungan para sa kalinisan ng karagatan sa ginanap na International Coastal Clean-Up Drive sa Barangay Estancia, Pasuquin, Ilocos Norte noong Setyembre 20, 2025. Pinangunahan ang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte.

Bilang tinig ng kabataan, buong pagmamalaking binigkas ni Ms. Charmaine Sy Villanueva, Chapter Youth Council President, ang Pledge of Commitment sa harap ng mga kalahok. Aniya, “Ang kabataan ay hindi lamang katalista ng pagbabago, kundi tahimik na mga arkitekto ng mga pangarap. Sama-sama tayong kikilos upang pangalagaan ang ating baybayin, protektahan ang kalikasan, at magtayo ng isang sustenableng kinabukasan para sa lahat.”

Dumalo rin at nakiisa ang Red Cross Youth mula sa Santiago National High School, sa pamumuno ng kanilang Council Adviser at RCY Advisers’ League President na si G. Erwin Lampitoc Ablao, kasama ang mga masigasig na Chapter Volunteers ng RCY Ilocos Norte.

Kasama rin sa aktibidad ang Kapulisan ng Pasuquin, na nagsilbing katuwang sa pagbibigay ng seguridad at suporta sa buong clean-up drive.

Sa pagtutulungan ng mga kabataan, guro, kapulisan, at lokal na pamahalaan, matagumpay na naisakatuparan ang gawain na naglalayong linisin at pangalagaan ang kalikasan.

Patunay ito na ang kabataan ay hindi lamang “pag-asa ng bayan” kundi aktibong tagapangalaga ng kasalukuyan, lumilikha ng mas malinis, mas luntian, at mas maliwanag na bukas tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *