OJT Criminology students, nakiisa sa isinagawang symposium sa Dulag, Leyte

0
viber_image_2025-09-24_15-14-53-126

Nakiisa ang mga OJT students mula sa Criminology ng Burauen Community College sa isinagawang symposium ng mga kapulisan sa Brgy. San Jose, Dulag, Leyte nito lamang Martes ika-23 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station kasama ang mga OJT Criminology students ng Burauen Community College at aktibong nilahukan ng mga senior high students ng San Jose National High School sa pangunguna ni Mrs. Belen T. Sebolino, Principal I.

Tinalakay sa symposium ang tungkol sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), E.O. 70 (End Local Communist Armed Conflict – NTF-ELCAC) at Anti-Terrorism na sinundan ng pamamahagi ng mga IEC materials.

Tinalakay din ang mga tip sa pag-iwas sa krimen, ang pagtugon sa mga insidente ng pananaksak, pamamaril, at pagkalunod.

Ang inisyatiba ay naglalayong palakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng PNP sa publiko, pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa pagitan ng sektor ng edukasyon at pulisya, at pagtataguyod ng tiwala sa organisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *