Feeding Program, inilunsad sa Bagamanoc, Catanduanes
Nito lamang Setyembre 21, 2025, ganap na 10:30 AM, isinagawa ng Bagamanoc Municipal Police Station (MPS) ang isang Supplemental Feeding Program sa Barangay Bacak, Bagamanoc, Catanduanes.
Pinangunahan ni PSSg Joel C. Villarete, MCAD PNCO, ang aktibidad katuwang ang mga opisyal ng barangay, Force Multipliers (BPATs), KKK at KKDAT members, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT GRINGO B TAULE, ACOP ng Bagamanoc MPS.

Umabot sa 50 kabataang benepisyaryo ang nakinabang sa naturang programa na layong palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong at malasakit.
Bahagi ito ng Police-Community Relations (PCR) activity na tinawag na “Strengthening Police-Community Partnership: CATPPO Outreach Program,” na may temang “Pagpapalakas ng Ugnayan ng Pulisya at Kumunidad: Daan sa Pag-abot ng Payapa at Ligtas na Bagong Pilipinas.”
Source: Pnp Bagamanoc