Outreach Activity, muling inilunsad sa Sto Domingo, Albay

0
viber_image_2025-09-24_09-05-34-340

Matagumpay na nagsagawa ng isang outreach activity ang mga kapulisan ng Sto. Domingo sa kanilang bayan sa Albay sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ RODERICK B BINO – OIC, ngayong Setyembre 21, 2025, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya para sa serbisyong makatao at makabayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipaabot ang tulong at suporta ng PNP sa mga nangangailangan, lalo na sa mga sektor ng lipunan na higit na nangangailangan ng kalinga.

Kabilang sa isinagawang outreach ang pamamahagi ng pagkain, inumin, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga residente.

Buong pusong tinanggap ng mga mamamayan ang inisyatibo, at kapansin-pansin ang masiglang pakikilahok at pasasalamat ng komunidad sa mga alagad ng batas.

Ang ganitong mga gawain ay patunay ng malasakit ng PNP sa kapakanan ng bawat mamamayan, hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas kundi bilang katuwang sa pagpapaunlad ng komunidad.

Ang Sto. Domingo PNP ay patuloy na magsusulong ng mga proyektong makatao bilang bahagi ng kanilang tungkulin tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan.

Source: Sto.domingo Mps Albay Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *