Medical Mission, isinagawa sa Camiling, Tarlac ng Bayambang Matikas Eagles Club
Isang matagumpay na medical mission ang isinagawa ng Bayambang Matikas Eagles Club noong ika-23 ng Setyembre 2025 sa bayan ng Camiling, Tarlac, na layuning maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng lugar.

Pinangunahan ang aktibidad ng Pangulo ng samahan na si Kuya Bogs Bugarin, kasama sina Ate Sheng at si Dra. Bert Ghin Camacho Gabriel, na nagbigay ng kanilang oras at serbisyo para matulungan ang mga nangangailangan.

Nagkaisa ang mga miyembro ng grupo sa pagbibigay ng libreng konsultasyon, simpleng gamutan, at iba pang serbisyong pangkalusugan. Layon ng nasabing proyekto na makatulong sa mga mamamayang kapos sa access sa medikal na serbisyo, lalo na sa mga liblib na lugar.
Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa inisyatiba ng Bayambang Matikas Eagles Club at sa kanilang patuloy na adhikaing maglingkod sa bayan nang walang hinihintay na kapalit.
Ang ganitong mga programa ay patunay ng diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa—mga prinsipyong patuloy na isinusulong ng mga miyembro ng Eagles Club.
Source: Cris Moto