Feeding Program at Dialogue on Children’s Rights para sa mga Underprivileged Children

0
viber_image_2025-09-27_12-27-43-710

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Family Week, matagumpay na isinagawa ng Tanza Municipal Police Station PCAS Personnel ang isang Feeding Program at Dialogue on Children’s Rights para sa mga batang kabilang sa mga pamilyang kapus-palad sa Barangay Bunga, Tanza, Cavite nito lamang Biyernes, ika-26 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni PCMS Annaliza P. Flores, CPCAS, sa ilalim ng mabuting pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joven T. Bahil, Officer-In-Charge, katuwang ang mga opisyal ng barangay na pinamumunuan ni Hon. Arnold Reyes, Chairperson.

Ang naturang programa na mapalawak ang kaalaman ng kabataan ukol sa kanilang mga karapatan at sabay na maipadama ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain. Naging inspirasyon ang mga ngiti ng mga bata na nakatanggap ng aruga at kalinga mula sa kapulisan at lokal na pamahalaan.

Layunin ng aktibidad na maipakita ang patuloy na serbisyo at malasakit ng kapulisan, katuwang ang iba’t ibang sektor, para sa mga batang higit na nangangailangan sa ating komunidad tungo sa pagkamit ng maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Tanza PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *