KKDAT ng Enrile, aktibong lumahok sa isinagawang dayalogo ng Enrile PNP
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng KKDAT sa isinagawang dayalogo ng Enrile Police Station, sa pangunguna ni PSMS Marlyn P. Banan, na ginanap sa Barangay Lemu Enrile, Cagayan noong ika-26 ng Setyembre, 2025.
Tinalakay ang mga isyung tulad ng rape prevention, anti-bullying (RA 10627), at road safety upang mapalakas ang kaalaman ng mga kabataan sa kanilang kaligtasan.

Binigyang-diin din ang masamang epekto ng ilegal na droga at ang panganib ng panlilinlang ng mga Communist Terrorist Groups, bilang suporta sa EO No. 70 at NTF-ELCAC.
Layunin ng aktibidad na turuan ang mga kabataan kung paano protektahan ang kanilang sarili laban sa karahasan, pananamantala, at maling impluwensiya.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP para sa edukasyon at pagbibigay-kaalaman sa kabataan bilang suporta sa kapayapaan at kaayusan sa Bagong Pilipinas.
Source: Enrile PCR