Force multiplier, nakiisa sa pagtulong sa nasalanta ng lindol sa Bogo City, Cebu

0
viber_image_2025-10-02_07-17-17-306

Kabilang sa agarang naghatid ng suporta sa mga biktima ng lindol na yumanig noong gabi ng Setyembre 30 sa Bogo City, Cebu, ang mga force multipliers na naging katuwang ng PRO7 sa pagsasagawa ng rescue operation.

Kabilang sa mga nakiisa ang mga BPAT members, civilian volunteers, radio communicators, transport groups, youth organizations, at faith-based groups.

Dahil sa kanilang presensya, naging mas organisado at mas malawak ang naabot ng impormasyon, ayuda, at serbisyo sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

Mabilis na rumesponde ang Police Regional Office 7 (PRO7) kasama ang lokal na PNP upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente. Agad na naisagawa ang assessment sa mga apektadong lugar, koordinasyon sa LGU, at deployment ng mga rescue at support teams.

Dahil sa maagap na aksyon ng kapulisan, naging organisado ang kabuuang operasyon sa unang mga oras ng insidente.

Sa kabuuan, ang pagtutulungan ng PRO7, force multipliers, volunteers, at mga partner agencies ay nagpakita ng napakalakas na bayanihan sa gitna ng sakuna. Ang mabilis na pagresponde, organisadong retrieval operations, at solidong koordinasyon ay nagbigay ng pag-asa sa mga mamamayang apektado ng lindol sa Bogo City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *