BPATs Shilan, nakiisa sa Patrolling at School Visitation

0
554202069_4246528479009641_3967420344269628365_n

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Shilan, La Trinidad, Benguet sa isinagawang Patrolling at School Visitation noong ika-2 ng Oktubre, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa La Trinidad Municipal Police Station.

Tampok sa nasabing aktibidad ang pagbisita sa mga paaralan tulad ng Tacdian Elementary School at patrolling sa kahabaan ng Shilan Road, gayundin sa Barangay Shilan, La Trinidad, Benguet.

Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan laban sa krimen at insurhensya.

Nagpapakita rin ito ng magandang ugnayan o pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan tungo sa isang ligtas sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *