BPATs at BADAC, nakiisa sa One-Day Crime Prevention Training sa Tabuk City, Kalinga
Aktibong nakiisa ang mga Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa isinagawang one-day crime prevention training sa barangay Dilag, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-8 ng Oktubre, 2025.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Matagoan Cops ng Tabuk City Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jack E Angog, Chief of Police ng nasabing istasyon sa pakikipagtulungan ng City Local Government Unit.
Lumahok sa pagsasanay ang mga barangay officials, BPATs at Lupon, mga barangay tanod, iba’t ibang mga advocacy support groups at force multipliers.
Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, napalalim ang kaalaman ng mga kalahok, napalakas ang ugnayan ng pamayanan at pulisya, at naitaguyod ang isang whole-of-community approach sa pagbubuo ng isang ligtas, mapayapa, at walang-drogang kapaligiran.


Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang kakayahan ng mga pamayanang barangay sa pagharap sa mga pangunahing isyu tulad ng paglaganap ng ilegal na droga, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan.
Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang grupo sa iisang adhikain ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng lungsod at ito ay isang patunay na ang pag-iwas sa krimen ay isang sama-samang responsibilidad.
Muling pinagtibay ng Matagoan Cops ang kanilang paninindigan na patuloy na palakasin ang mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapanatili ang ligtas, matatag, at walang-krimeng barangay.