NSTP Students ng Caraga State University, nagsagawa ng Adopt-an-Estero at Tree Planting

0
553548714_1376387007380548_2913389405865188788_n

Nagsagawa ang mga National Service Training Program (NSTP) students ng Caraga State University (CSU) – Main Campus sa Campus-Wide at Ampayon Creek Clean-up Drive na isinagawa noong Oktubre 8, 2025. 2025 sa CSU Main Campus at Lawaan Park, Butuan City, Agusan del Norte.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the College Student Services – Pollution Control Unit (OCSS-PCU) sa pakikipagtulungan ng NSTP (CWTS at LTS) students at facilitators, CSU-CEAS, CSU-Forestry Students’ Guild, at General Services Unit.

Layunin nitong palakasin ang kamalayan sa tamang pamamahala ng basura, pangangalaga sa tubig, at responsableng pakikilahok sa mga gawaing pangkalikasan.

Dalawang pangunahing bahagi ang isinagawa sa aktibidad: una, ang malawakang clean-up drive sa loob ng CSU campus at sa Ampayon Creek sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Waterbody Program; at pangalawa, ang tree planting at weeding activity sa Lawaan Park, kung saan 48 Narig tree seedlings ang itinanim bilang bahagi ng reforestation at greening program ng unibersidad.

Ayon sa Pollution Control Unit, kapansin-pansin ang kasipagan at dedikasyon ng mga NSTP students na buong puso ang paglahok sa aktibidad.

Sa kabila ng init ng araw, patuloy nilinis ang mga kanal, nagpulot ng basura, at nagtanim ng mga punong kahoy — patunay ng kanilang malasakit sa kalikasan at komunidad.

Ang nasabing inisyatiba ay sumusuporta sa Philippine Clean Water Act (RA 9275) at sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), partikular sa SDG 6 (Clean Water and Sanitation), SDG 13 (Climate Action), SDG 14 (Life Below Water), at SDG 15 (Life on Land).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *