Provincial Government Unit, nagsagawa ng Serbisyo Caravan sa Eastern Samar

0
viber_image_2025-10-09_12-23-46-332

Matagumpay na idinaos ng Provincial Government Unit ang Serbisyo Caravan sa iba’t ibang barangay ng munisipalidad ng Dolores, Eastern Samar, kabilang ang mga Brgy ng San Pascual, San Vicente, Del Pilar, at Villahermosa, nito lamang Oktubre 8, 2025.

Ang kaganapan ay pinangunahan ni Hon. Ralph Vincent M. Evardone, Governor, Eastern Samar kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at Local Government Unit Officials ng Dolores, Eastern Samar at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng 78IB ng AFP, ESPH, PHO, CDO, NIA, DAR, OPAS, PSWDO, DTI, DA , PSA, PDRRMO, at iba pa.

Tampok sa nasabing aktibidad ang libreng medical consultations, pamamahagi ng mga libreng gamot, agricultural at legal services, at iba pang serbisyo ng gobyerno.

Nagbigay din ng Security Coverage, libreng serbisyo ng tuli at BP Consultation ang mga tauhan ng Eastern Samar PPO sa pamumuno ni Police Colonel Ernesto R Macasil, Provincial Director.

Ang pangunahing layunin ng kaganapan ay upang palawigin ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga pintuan ng mga residente, sa gayon ay matugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan at palakasin ang kanilang koneksyon sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *