Tanza PNP, nagsagawa ng Drug Awareness Dialogue para sa mag-aaral ng Bagtas National High School

0
viber_image_2025-10-09_09-48-37-744

Matugampay na naisagawa ng Tanza Municipal Police Station ang isang Drug Awareness Dialogue sa mga mag-aaral ng Grade 9 ng Bagtas National High School, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite nito lamang ika-7 ng Oktubre 2025.

Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga mag-aaral, na nagpakita ng kanilang interes at pakikiisa sa adbokasiya para sa isang drug-free community.

Layunin ng nasabing programa na mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng edukasyon at maagang pagpapalaganap ng impormasyon sa kabataan. Ang Tanza MPS ay nagpahayag ng patuloy na suporta sa mga proyektong pangkabataan bilang bahagi ng kanilang anti-illegal drugs advocacy sa ilalim ng programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan”.

Ang PNP Tanza MPS ay patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong uri ng gawain bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na mapanatili ang isang ligtas at drug-free na komunidad, lalo na sa sektor ng kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *