Kabataan ng San Guillermo, nanguna sa Barkada Kontra Bisyo

0
viber_image_2025-10-11_15-54-23-277

Matagumpay na naisagawa ang Advocacy Campaign for a Drug-Free School para sa mga estudyante ng San Guillermo Vocational and Industrial High School bilang bahagi ng selebrasyon ng One Health Week na may temang “Stronger Together: Barkada Kontra Bisyo,” noong Setyembre 9, 2025 sa San Guillermo, Isabela.

Pinangunahan ni Mrs. Gina R. Magbaleta, Principal ng naturang paaralan, ang programa katuwang ang San Guillermo Police Station at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa nasabing aktibidad, binigyang-diin ang kahalagahan ng kabataang may tamang kaalaman at matatag na paninindigan laban sa anumang uri ng bisyo. Sentro ng programa ang pagtuturo sa mga estudyante kung paano maging responsableng lider, mabuting huwaran, at tagapagtanggol ng kanilang sarili, pamilya, at komunidad.

Layunin ng kampanya na mahikayat ang kabataan na umiwas sa ipinagbabawal na gamot at iba pang uri ng bisyo, at sa halip ay maging aktibong katuwang sa pagtataguyod ng ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.

Source: San Guillermo PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *