Barangay-Based Advocacy Group, bida sa Symposium para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan
Naging tampok ang aktibong partisipasyon ng Barangay-Based Advocacy Group sa matagumpay na Symposium para sa proteksyon ng kababaihan, kabataan, at seguridad ng mamamayan na isinagawa noong Oktubre 10, 2025 sa Barangay San Nicolas, Delfin Albano, Isabela.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Delfin Albano Police Station sa pamumuno ni PMaj Glanery V. Cabeliza, katuwang ang PRO2 RCADD sa pamumuno ni PMaj Baby Rose P. Cajulao, at ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Thomas A. Pua Jr.
Sa nasabing symposium, tinalakay ang masasamang epekto ng ilegal na droga at terorismo, gayundin ang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Layunin ng aktibidad na isulong ang gender equality, mapalakas ang proteksyon para sa kababaihan at kabataan, at patatagin ang ugnayan ng PNP at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at mga barangay-based groups sa pagtataguyod ng ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan. Ang ganitong uri ng aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng PNP at mamamayan tungo sa mapayapang bayan.
Source: Delfin Albano Police Station