Feeding Program, isinagawa
Isinagawa ang isang feeding program sa mga residente ng Barangay Calarian sa Golf Village, Barangay Calarian, Zamboanga City nito lamang ika-11 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ng Barangay Council ng Calarian sa pangunguna ni Hon. Rosie Grace Balambao, Barangay Captain ng Calarian sa pakikiisa ng Zamboanga City Police Station-Ayala sa pamumuno ni Police Major Ahmed Czar A Anuary, Acting Station Commander.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na outreach at community engagement efforts ng istasyon na layuning patatagin ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad, at suportahan ang kapakanan ng mga residente, lalo na ng mga bata at mga kabilang sa maralita o mahihinang sektor.
