Rodriguez PNP, nagsagawa ng Anti-Illegal Drugs Orientation para sa mamamayan ng Barangay San Jose

0
viber_image_2025-10-12_12-11-09-385

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, nagsagawa ng isang orientation at seminar ang Rodriguez Municipal Police Station sa Area 2, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal nito lamang Oktubre 11, 2025.

Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa tulong ng Municipal Anti-Drug Abuse Unit (MADAU), Municipal Health Office (MHO), at ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng San Jose.

Layunin ng seminar na ipabatid sa mga residente ang masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at hikayatin silang makibahagi sa mga programa ng pamahalaan upang masugpo ang paglaganap nito. Tinalakay sa aktibidad ang kasalukuyang sitwasyon ng droga sa komunidad, mga estratehiya upang ito’y maiwasan, at ang kahalagahan ng rehabilitasyon at pagbabalik-loob ng mga dating nalulong sa bisyo.

Binigyang-diin ng mga opisyal ang mahalagang papel ng pagkakaisa ng komunidad upang makamit ang isang drug-free na barangay. Nagbigay rin ng impormasyon ang mga kinatawan mula sa MHO tungkol sa mga epekto ng droga sa pisikal at mental na kalusugan, habang pinaalalahanan naman ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon laban sa droga.

Ang naturang seminar ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng PNP upang palakasin ang kaalaman ng mamamayan at hikayatin ang aktibong pakikilahok tungo sa mas ligtas at malusog na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *