KKK Members at Pandan MPS, nagsagawa ng supplemental feeding para sa mga Padyak at Tricycle driver sa Pandan, Catanduanes
Nagsagawa ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK) ng Pandan katuwang ang mga tauhan ng Pandan MPS sa pamumuno ni PMAJ ARIEL R. BURAGA, Chief of Police, ng isang Supplemental Feeding Activity para sa mga padyak at tricycle driver ng Barangay Libod, Pandan, Catanduanes nitong Oktubre 13, 2025.
Layunin ng aktibidad na maipakita ang pakikilahok ng kabataan sa mga programang pangkomunidad at mapalakas ang ugnayan sa mamamayan, lalo na sa mga sektor ng transportasyon.
Ang gawaing ito ay bahagi ng pagpapatupad ng mga programa ng Philippine National Police tungo sa serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman para sa isang ligtas at maunlad na komunidad.
Source: Pandanmps Catppo