Malihao Hills Eagles Club, katuwang sa pagpapadala ng Food Relief Supplies patungong Davao City

0
553294060_805905448842438_8073212476651350938_n

Muling ipinamalas ng Malihao Hills Eagles Club ang diwa ng bayanihan matapos itong maging pangunahing katuwang sa volunteer mission para sa Food Relief Supplies na ipapadala patungong Davao City nito lamang Oktubre 13, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga, kasama ang mga boluntaryo mula sa Mazua Eagles Club, Kuya Kap Besa Eran, Philippine Navy at Army Reservists, at mga tauhan ng PNP Regional Mobile Force Battalion 13.

Layunin ng inisyatibong ito na maihatid ang agarang tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad sa Davao City.

Pinangunahan ng Malihao Hills Eagles Club ang koordinasyon at boluntaryong serbisyo upang matiyak ang mabilis at maayos na distribusyon ng mga relief goods.

Isang patunay ito ng patuloy na malasakit at dedikasyon ng mga miyembro ng Malihao Hills Eagles Club sa adhikaing “Service Through Strong Brotherhood.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *