200 punla ng Narra at Acacia Tree, naitanim sa Davao City

0
553730175_1557221938798005_2220008364196006353_n

Naitanim ang 200 punla ng narra at acacia tree sa isinagawang tree planting activity sa Barangay Langub, Davao City.

Ito ay bilang suporta sa mga programang pangkalikasan ng pamahalaan.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kagubatan at mahikayat ang mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng mga miyembro ng Sanguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII), isang PCADG-accredited NGO, sa pamumuno ni CAO1 Ibrahim Robel Beltrán, Chairman katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU-11).

Nakiisa rin ang pamunuan ng Barangay Langub sa pangunguna ni Hon. Lailanie Bacalzo, Chairwoman, pati na rin ang mga guro at estudyante mula sa Langub National High School na pinangungunahan ni Arniel Somosot.

Ang proyektong ito ay bahagi ng mga hakbang upang maisulong ang rehabilitasyon ng kalikasan at magkaroon ng mas luntiang kapaligiran para sa hinaharap.

Ang pagtatanim ng punongkahoy ay simbolo ng pagkakaisa ng komunidad para sa pangmatagalang layuning pangkalikasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, naipapakita ang sama-samang pagkilos tungo sa isang mas malinis, mas sariwa, at mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *